BAWAL ANG TAO RITONG
MAGLAKAD NANG DI LUMILINGON SA PINANGGALINGAN
NAKAMAMATAY
(22 Enero) Babala: isa itong hodge-podge, stream-of-consciousness, unorganized outlay ng pagkatuklap ng isipan dahil nakalimutan kong anibersaryo pala ng Edsa Dos noong ika-20 ng Enero kung kailan ko sinulat ang post na ito, habang nagpapalipas ng oras para mapanood ang inaugural speech ni Obama.
Salamat kay Tonyo sa pagpapaalala.
Muli, mangangahas akong maglahad ng ilang ideyang pang-negosyo. At tulad ng sinabi ko two years ago sa naunang entry ukol sa “negosyo ideas,” okey lang sa akin na may gumamit ng mga ito (dahil wala naman akong kapital in the first place), delicadeza na lang na at least magpaalam (o kung galante kayo, mag-anghel para rito o magpatak ng konting komisyon, hehe).
Panay patungkol sa pagkain ang mga ito, with a twist: carrying an advocacy or promoting social awareness aside from filling up stomachs. Medyo tongue-in-cheek ang mga ito, pero seryoso ako, at malay ninyo pumatok?
Featuring an environmentalist siomai stand; a nationalist burger joint; and mafioso/kinky taho.
Sa Sta. Mesa, Manila kanina sa pista ni Sto. Nino: isang simpleng sayawan sa kalye. Maraming tambol. Simpleng kaligayahan. Pagpapaka-bata.
May batang hanep tumambol. Si Kapi, naki-tambol, nakaputol pa ng beater. The Lord works in mysterious ways, the Blues Brothers said…

More bidyos!
Kalawanging Kuwerdas Podcast! Neither AM nor PM Edition, ika-17 ng Enero (pindot lang!)
Part A: 1) Pasakalyeng muntik nang mabangga sa kalye; 2) Balitang non-balita; 3; Transmission Gangan (featuring Mando Simbulan, Fred Nicolas and PJ Mariano as co-annotators).
o direct download dito
Part B: 1) Ukol kay Wincy Ong; 2) “Into this Lake of Lies”* by Wincy Ong; 3) Si Sto. Nino, pananampalataya, pananalig, pagkatao, paghahangad ng pagkabuo, pagpapakabata.
o direct download dito.
* “Into this Lake of Lies” copyright by Wincy Ong 2009. All rights reserved. (Until I get to convince him to go Creative Commons, hehe.)
Una sa lahat, gusto kong magpaumanhin kay Mai, bokalista ng Blue Rats, dahil hindi ako nakapunta noong Sabado sa benefit blues gig sa Hobbit House para kay Anabel Bosch… Sorry Mai, next gig ulit, will bring the gang there to make it up to you. And of course, more importantly, prayers for Anabel whom I don’t really know and whom you most likely don’t know but I presume is very well-loved.
Speaking of the podcast, baka hindi ko naman kayaning araw-arawin ito. Baka gawin nating every Friday na lang, tuwing ang tendency ng balita ay mag-sum up in preparation for the next week, tuwing lalabas ako’t maghahanap ng tugtugan…
O, tama na ang pasakalye.
* * *
May mga ilang bagay na nagpapakabog sa dibdib ko ngayon. Marami-rami, actually, at iba’t ibang nibel. Here’s a sampler of kabogable stuff: