Pero sasabihin ko sa inyo: tuwing natatanong ang mahiwagang tanong na iyon, ang madalas na sagot: ewan, hindi ko alam.
Iilan lang ang kilala kong may definite na sagot. Tulad ng dakilang si Tata Gil, ang matatag na photographer ni Mar. Ang hangarin niya, maging chief photographer ng isang Pangulo, at gumawa ng libro pagkatapos noon. At si Mar, tiwala siya, magiging mabuti at magaling na Pangulo, and therefore magiging mabuting subject. Minsan na akong na-kantiyawang maging press usec, kung anuman ang ibig sabihin noon. Pero ang laging sagot sa tanong na iyon, “hindi ko alam, depende, kung saan ako ilagay, o kung isama man ako.”
Mga ilang linggo bago i-anunsyo ni Mar ang kanyang pag-atras noong September 1, na-lock in ko na ang “standard answer” ko sa tanong na iyon: “sa totoo lang, ayokong sumama sa Malañang, babalik ako sa private. Tingin ko mamamatay lang ako doon sa cardiac arrest. Pero kung tawagan ulit ako ni Mar, gaya ng kung paano niya ako tinawagan bago ako napasok sa opisina niya, baka hindi ko rin siya matanggihan. Assuming na manalo ha.”
Ang kasunod noon, “tingin ko, hindi ako bagay sa executive. Kasi doon, dalawa lang ang opsyon: maging uber-cardiac na technocrat na kinakabog araw-araw o nagpupuyat gabi-gabi; o pa-bandying-bandying na bureaucrat kasi may kapit siya sa itaas. Mas pipiliin ko ang nauna, pero dahil sa lagay ng katawan ko ngayon, di ko yata kakayanin.”
Which brings me to my second admission. Oo, aaminin ko sa inyo: may ilang beses nang sumagi sa isip ko na umalis na at magpahinga. Oo, kalusugan ang pangunahing dahilan: ang bata-bata ko pa, 26 anyos, umiinom na ako ng gamot pang-kolesterol. Pramis, hindi Pfizer ang gamot ko. Well, maraming nagsasabi sa akin na “right diet and exercise.” Sinubukan ko, nasundan ko naman yung una, yung pangalawa ang hirap gawin lalo na kung nagpuyat ka kinagabihan pero kailangan mong tumakbo agad sa opisina pagkatapos. Na parang latang-lata at lasog na lasog na ang katawan ko. Wala namang latigo.
Siyempre, may iba pang mga dahilan kung bakit ko naiisip na mag-resign na, may kinalaman din sa puso in a figurative way, pero ito ang pinaka-matimbang. Naisip ko, nagbakasyon na ako nang isang buwan, pero ganoon pa rin. Medyo unfair naman sa tingin ko kung humiling ako ng isa pang buwan para subukang magpahinga’t magpalakas. Mas mabuting magpahinga na’t isipin ang pangsariling interes, naisip ko. “Mangangampanya” sa ibang paraan, naisip ko. Pero sa pinal na resolusyon, naisip ko:
Mar: “O, why naman you rejected my offer?”
Kapi: “I’m pursuing my journalism career. And I plan to study too.”
Mar: “The studying part, I can help you with that. But more importantly, are you really happy with your job right now? Do you really want to spend the rest of your life observing the events as they happen, but in the sidelines? How about being really involved in how our country is being shaped? You’re joining the ‘big league’ here. And about the studying part, I think you’ll get a much more fulfilling education while working hands-on on the things that matter to our country.”
Kapi: “I get your point. But I have this dilemma: if I join you–a politician, someone I cover–then I’m compromising my career now. I can’t go back to journalism after this. So I’m making this risk. So first of all, I want to know what you stand for and if it does not conflict with my own beliefs. Admittedly, I don’t know you too well, I don’t get to interview you much. What I know is that you’re a free marketeer, and I’m inclined towards socialism.”
Mar: “True, I’m for a free market. But more importantly, I am for fairness. I am for equal opportunity for all. So the free market must work for those principles and under those principles. That’s why, if you don’t know, I was among those who blocked the first world agenda in WTO-Cancun because it is unfair. I am against injustice, like what happened to the daughters of the two mothers who went here. I believe in the individual–that he is the greatest resource our country has. And the government must take care of them, not like what’s happening now.”
Habang nangyayari ang pag-uusap na iyon tungkol sa mga paninindigan niya, naroon si Gerry Roxas as painted by Manansala sa pader sa likod ng kanyang mesa. Sa pagkakapinta sa kanya, para siyang agila.
Ang sagot ko, “oo.”
Tulad ng, ano’ng mangyayari sa amin? Pasasampahin ba kami sa kampanya ni Noynoy? Puwede ba kaming manatili kay Mar, whether or not tatakbo nga siyang VP? May chance ba tayong pumili? Or that third option, alis na tayo? Lumiligoy-ligoy ang mga tanong na ito, na para bang nakasalalay ang kapalaran namin sa mga bituin. Hindi pa namin alam kung ano ang hitsura, ano ang “operationalization,” ang hugis at mukha ng pagbabagong ito ng kulay ng hangin.
Ang maisasagot lang siguro sa ngayon: “Tuloy ang laban. Tuloy ang trabaho. Ang dami pang pending.”
Habang hinihintay kung ano ang “kumpas” ng itaas ukol sa kapalaran namin, naaalala ko ang siguro’y pinakamatingkad na kawikaan ni Mar. Bukambibig na nga, parang sirang plaka kung tutuusin: “ang kapalaran ng ating bansa, wala sa pagkaka-hilera ng mga bituin. Ang kapalaran natin bilang bansa, nasa kamay nating mga mamamayan nito.”
Oo, pupunta ako dun sa “Confucian Analects” na gustong-gustong ginagamit ni Mar sa kanyang mga speech (lalo na kung, one way or another, hindi niya gusto yung speech na ginawa namin para sa kanya, hehe). May isang wise man na ermitanyo na bulag. Puntahan ng lahat–hari man o pesante–para humingi ng payo. May isang bata, gusto siyang testingin. Pumunta siya kay wise man, may dala-dalang ibon: “buhay ba ito o patay?” Sabi ni wise man, “hindi ko masasabi kung buhay o patay ang ibon na iyan. Kung sinabi kong buhay, dudurugin mo ang ibon gamit ang iyong kamai. Kung sinabi kong patay, bubuksan mo ang kamay mo, papaliparin ang ibon. Ang masasabi ko lang, ang ibon nasa kamay mo.”
Tototohanin ko kayo: wala pa akong matibay pasya ngayon, kung magpapa-integrate kay Noynoy, kung mananatili kay Mar, o kung itutuloy na ang matagal nang lumiligoy-ligoy na balak na mag-resign at mag-”move on.” Yung ikatlo, talagang nakaka-tukso, at ang una kong gagawin, ituloy na ang matagal nang na-hybernate kong pagpursigi sa musika. Pero sa totoo lang, wala pa akong matibay na pasya.
Ang mahalaga lang sa ngayon: ang dahilan kung bakit isinakripisyo ni Mar ang kanyang presidential bid. Saan man ako mapunta; sa mga ka-opisina ko, anuman ang maging pasya ninyo; sa mga kaibigan at iba pang mambabasa, saan man kayo ngayon at kung anuman ang pinupursigi ninyo ngayon — ang pinakamahalaga, ang bansa natin. Sa anumang gawain natin o pagpapasyahan natin, nakasalalay ang kinabukasan natin bilang isang bansa. At kung ito ang isinasaalang-alang, wala nang pangangailangan pang magtimpi.
Saan man tayo papunta, tuloy ang laban!