kapi.i.ph. Karapatang-ari 2009. Hindi ako kumikita sa gawaing ito, kaya dapat ay hindi rin pagkakitaan ng iba.
Nitong weekend lang ay inireklamo ng batikang singer-songwriter na si Gary Granada, sa pamamagitan ng isang Podcast, ang pagsasamantala sa kanya ng GMA. Hindi po siya minolestya, kundi ang talento po niya. Heto po, straight from the Gary’s mouth:

Transcript ng Podcast dito, courtesy of Raymond Lee a.k.a. Foobarph (sipag no? 14mins din yun).
Heto na nga’t agad na sinunggaban ng blogosphere ang naturang kaso at ikinalat ang recording ni Gary Granada at pinuna o kinondena ang pagnanakaw, or otherwise a violation, ng intelektwal na pag-aari ng isang batikang kompositor–ang pinaka-inaasahang anggulo ng pagsipat sa isyung ito. Na dapat naman talagang kondenahin kung totoo. Or at the least, mag-demand ng malinaw na pagpapahayag mula sa panig ng Kapuso network. Basahin ang mga isinulat nina Nick ng FilipinoVoices.com, Kape Ni Lattex, Viloria.Net, Rockerfem, Hiraya, Guisadong Gulay, Jeric Peña, Pete Rahon at iba pa dito at dito.
Bukod sa namamayaning thou-shall-not-steal or otherwise violate intellectual property morality ngayon sa blogosphere, kapansin-pansin ang ilang kabalintunaang lumitaw sa kasong ito na talagang nakababalisawsaw:
Di nga, peksman. Itong isyu ng diumano’y paglabag ng GMA sa intelektwal na pag-aari ni Ka Gary ay higit pa roon. Pagpapakita lang ito ng kung papaanong, unti-unti at lalong umiigting ngayon panahong ito ng krisis, ang mga creative-cultural artifacts gaya ng musika ay higit na magiging commodified. Hindi dahil sa lalong bebenta ang mga iyon, kundi lalong titipirin. Hanggang sa maging freebie na lang, kung tutuusin.
Again, again, again. Ang punto rito, sa mga taong nangangarap na magkaroon ng marangal na kabuhayan sa pamamagitan ng paglikha ng musika (kasama na marahil ako roon, pagkatapos nitong kasalukuyan kong proyekto), kailangang mag-ingat na hindi kayo mapagsamantalahan. Sa mga taong tulad ko rin siguro na nais lang mag-share ng kanilang malikhaing gawain, lalo na sa pamamagitan ng internet, kailangan ding mag-ingat nang sa gayon ay hindi pagkakitaan ng iba ang hindi ninyo pinagkakakitaan o ayaw ninyong pagkakitaan. Siyempre, ang bigat agad ng mga katagang ito–na general in nature at maaaring hindi partikular sa kasong ito ng Gary Granada Vs. GMA (o ha, disclaimer ito ah, inoculation from libel)–kailangan ng dagdag na patunay bukod sa testimonya ni Ka Gary na nagkasala nga ang GMA. Marami namang abugado riyan na nagba-blog, enlighten us please.
Huling birit, sa buong industriya ng musika sa Pilipinas: dulot ng mga circumstances tulad nito, tulad ng patuloy na paglala ng piracy at patuloy na pagyabong ng new media, kailangan na nga sigurong pag-isipang muli ang business models natin. Pursigihin natin ang linyang ito sa mga susunod na blog entry. Ay teka, huwag na lang, baka manakaw pa ang mga plano para sa Tribeless (na magiging Tribless Bar & Disco na. Charot!).
“…Galit ako sa mga pasista
Galit ako sa imperyalista
Feel na feel kong maging aktibista…”
–Pag natatalo ang Ginebra, Gary Granada
Hi Pete, di ako masyado fan ni Paulo Coelho (or rather, di ko pa siya nababasa), but I would agree with him on his stand that Internet is free. And not only that — information is free. And cultural artifacts too (like music), because their sources are free. Free, not in the sense of monetary value but in its nature of transferability and universality. Yes, here’s a copyleftist.
The thing is, within the framework of information ownership (copyright) that values are imputed to cultural artifacts and creative work, the rights and welfare of the creative worker should be protected and the use of their work should be amply compensated.
Hey, there’s an interesting conference on Thursday, check it out here at — http://cc-asiapacific.net/
Posted by kapi at February 2, 2009, 11:46 amattend ka ba sa conference, I checked the program interesting nga at syempre supporter ako ng creative commons, have their logo on my blog…
Posted by peterahon at February 2, 2009, 10:48 pmi made a transcript of gary’s podcast. let’s support him!
http://rllqph.wordpress.com/2009/02/02/gary-granada-with-podcast-transcript-vs-gma-kapuso/
Posted by foobarph at February 3, 2009, 11:18 amPete: yup, punta ako.
Foobarph: sipag ah, hehe! I-post ko rin dito ah, if you don’t mind. Of course credit to you, labor of love ang pagta-transcribe. Gawain ko rin yun.
uu, grabe nga! pabalik balik ako sa browser tapos ms word. dapat dinownload ko muna yung mp3 tapos saka ko ginamitan ng pang transcribe na software.
hirap mag mano-mano. next time, i’ll transcribe more efficiently. ahehehe!
Posted by foo at February 3, 2009, 1:21 pmMay pang-transcribe na software?
Ako shifting lang between VLC player and notepad.
Posted by kapi at February 3, 2009, 2:01 pmA lot of specialists say that home loans aid a lot of people to live the way they want, just because they can feel free to buy needed stuff. Furthermore, various banks offer small business loan for young and old people.
Posted by Tyson27Earline at March 30, 2010, 2:50 am
title pa ng thesis iyon o ng maaring kaso…
parang paliwanag ni Gary talaga nga naman napaka-theoretical and academic, hindi lang isyu music 101 pa hehehe…
sa usaping copyright si paulo coelho ang isa sa mga hinahangaan ko challenging this copyright thing at this age and time ito yung link ng post ko:
http://peterahon.blogspot.com/2008/01/paulo-coelho-on-copyright-and-internet.html
Posted by peterahon at February 2, 2009, 10:33 am