Dahil sa mga nakaraang araw magmula nang ilabas ng Reuters (at ng Inquirer) ang istorya tungkol sa panunumbalik ng "gudtayms" ng mga mayayaman (na siyang naging paksain ng mga komentong kinalap sa nakaraan kong piyesa), nanumbalik sa alaala ang isa ring sing-kontrobersiyal na artikulo (o editoryal) na lumabas sa kapita-pitagang opisyal na diyaryo ng Ateneo noong nasa kolehiyo pa ako….
Base sa naaalala ko, ipinapanukala ng editoryal na iyon ang kaisipang ang pagpa-party ay benepisyal sa ekonomiya, dulot ng diumanong trickle-down effect. Ang paggasta ng mga kabataang awash ng salapi sa mga wisyo ay nakatutulong diumano sa pagpapatakbo ng ekonomiya, marahil sapagkat ang paggasta nila ay napupunta sa mga kapaki-pakinabang na bagay sa ibang tao, katulad ng mga sahod sa mga waiter, kusinero, maging sa mga construction worker na nagtrabaho para maitayo ang kanilang mga gimikan, maging ang mga magsasaka ng tubo at tabako na raw material ng kanilang mga alak at sigarilyo.
Kung nahanap ko lang sana ang artikulong iyon dito sa mga arkibo ng world wide web, ipinaskil ko na rin dito. Subalit hindi umubra ang kapangyarihan ng Google, at pinahahanap ko na lang sa mga matipunong mananaliksik ng Matanglawin ang nasabing piyesa.
Ngunit epektibo ba ang diumanong "economics of partying" na ito upang maibaba ang economic benefits sa mga ordinaryong tao at bilang mekanismo sa pagtugon sa income inequality na nararanasan ng bayan natin ngayon?
Huwag muna nating ipasok dito ang argumento–o tinuturing ng iba bilang guilt trip–na ang ganitong maluhong pamumuhay ay nakakamuhi sa gitna ng kahirapang nagaganap sa bansa. Alam na natin ito, at kung minsan, maaaring tirahin ito sa kawalan diumano ng lohika. Kadalasan, wala talagang saysay ang patutsada ng mga magulang natin na "ubusin mo 'yang pagkain mo sa plato dahil maraming nagugutom sa Pilipinas" ay maaari ngang argumentum ad misericordiam lamang, at nakadudulot pa ng katabaan.
Hindi rin ako magpapaka-hipokrito sa pagsasabing hindi ako gumigimik at naghahapunan sa mga mamahaling restawran, gayong pinagsisisihan ko ito minsan sapagkat naipon ko sana ang pera para sa kinabukasan at para sa iba't ibang mga proyekto kong sinangkutan.
(Alex, baka mabigo kita sa pananabik mo sa istadistika, hehe.)
Unahin na natin, ilang bahagdan ba ng abang mamamayan ang nagtatrabaho sa sektor na may kinalaman sa gimikan? Ayon sa pinakahuling LABSTAT, 893,000 ang empleyado ng sub-sektor na hotels and restaurants noong 2006, o 2.7% lamang ng lahat ng nagtatrabaho (32.96 milyon). Kahit ihambing pa sa sektor ng mga serbisyo (o services) na nasa 16.141 milyon, ang naturang sub-sektor ay 5.5% lamang nito.
Hindi nakahiwalay sa mga istadistikang nabanggit ang kung ilan ang mga nagtatrabaho para sa sektor ng turismo, at malamang ay nakikihati ang mga turista sa mga gimikero sa serbisyo ng 2.7% ng ating mga manggagawa. Bagkus, kakaunti lamang ang mga manggagawang nakikinabang nang direkta sa mga mantitipar (itipa na natin sa 1% para medyo optimistic).
Bukod dito, hindi naman gaanong lumalaki ang populasyon ng mga manggagawa sa sektor na ito, sapagkat 2.2% lamang ang paglago nito mula sa 861,000 noong 2005. Mababa ito, kumpara sa 4.7%-4.8% na paglago sa naunang dalawang taon, kumakaunti ang dumadagdag na trabahador sa sektor na ito, tanda ng limitadong oportunidad sa trabaho sa naturang sub-sektor.
Idagdag na siguro natin dito na kadalasa'y kontraktwal pa ang relasyon ng manggagawa sa may-ari ng mga bar at restawran.
Kaya siguro marami sa ating mga kababayan ang pinipili na lang maging waiter o kusinero sa ibang bansa. Ayon sa POEA, nasa 4% ang median na paglago ng mga OFW na napunta sa services na sektor, at hindi pa disaggregated ang mga nagtrabaho sa hotel and restaruant na sub-sektor.
Ikalawa, ano ba ang dagdag na halaga o value-added na hatid ng paggasta ng mga partygoers? Sapagkat hindi nga naman sa sahod lamang ng mga direktong nagtatrabao para sa kanila ang kanilang mga ginagastos, kundi kasama na rin ang mga kinakain, iniinom, hinihithit at ano pang mga produktong kinokonsumo nila sa proseso ng pagtitipar.
(Ipagpapabukas ko na marahil ang paglalahad ng mga istadistika ukol dito. Hindi ko mahanap sa internet ang buong National Income Accounts natin, kung saan disaggregated ang datos sa ating punteryang sektor. Ang nahahanap ko lamang dito ay mga piniling kataga't istadistika ng NSCB at ng NEDA na nagpapakitang "maganda" ang ating ekonomiya ngayon…)
Mahirap mangalap ng datos tungkol dito, ngunit mangangahas akong sabihing kalakhan ng paggastos ng mga tao sa pagtitipary ay hindi napupunta sa lokal na ekonomiya–lalo na sa kaso ng mga mga high-end na partygoers–sapagkat higit ang tendensiyang pagkagastusan ay mga produktong imported din naman. Sa pagkain, sapagkat ang layunin naman ng negosyo ay tapyasan ang mga gastos, malamang sa hindi'y imported ang ilan hanggang sa karamihan ng mga raw material na ginagamit: mas mura nga naman ang imported na leg quarters sa lokal na manok, at sa sibuyas at bawang pa lang ay kita na ang malaking pagkakaiba sa presyo. Sa alak, talagang malakas ang bentahan ng mga lokal na serbesa ngayon, ngunit higit na malakas ang Red Horse, ang panipa ng masa, kumpara sa ibang mga beer. Pero sa sektor ng partygoer na ating isinasalarawan, higit ang propensidad na sa mamahalin at imported na alak–yung mga tipong de-kalibre o pang-cocktail–sila gumastos.
Ang mga inilahad ko sa bahaging ito'y debatable pa–sapagkat mahirap ngang humanap ng precise na istadistikang magpapatunay o magpapabulaan sa mga teorya't haka-haka kong nabanggit. Ang punto dito, ang nauna ko nang panukat–ang employment sa sektor ng hotel and restaurant–ang higit na direktang panukat ng trickle-down effect mula sa pagtitipar, dulot sa kakulangan ng matibay-tibay na datos ukol sa value-added ng pagpa-party sa kalakhang ekonomiya.
Bukod dito, ano ba ang sustainability ng pagpa-party bilang paraan ng pagpapa-trickle down ng mga benepisyo ng ekonomiya sa mga tao? Mangangahas akong bigyan ng interpretasyon–o misinterpretasyon–ang sinabi ni Keynes na "as income increases, consumption increases but not by as much as the increase in income."
Bagaman malakas ang kapangyarihan ng pag-konsumo sa pagpapatakbo ng ekonomiya–kung tutuusin, ang kasalukuyang paglago ng ating GDP ay dulot ng patuloy na malakas na personal consumption, kumpara sa investment–limitado pa rin ito. Tulad nga ng teorya ng marginal propensity to consume, habang positibo ang paglago ng parehong income at consumption, laging hindi pantay ang rate ng paglaki ng dalawa.
Idagdag pa natin, ano ba ang motibo ng pagpa-party? Kay Baudrillard, ang pagkonsumo ay laging kabahagi ng pagkonsumo rin ng mga pahiwatig o signs. Higit na importante ang imahe kaysa kabusugang dulot ng mga materyal na pangangailangan. Ang mga bagay na kinokonsumo natin ay siyang nagtutukoy ng ating katauhan o identidad. Ika nga, "I shop, therefore, I am."
Limitahan ko muna ang sarili ko dito sa konseptong ito, na ang pagkonsumo ay naka-angkla sa mga pagpapahalaga't kultura mismo ng nagkokonsumo. Mangangahas akong sabihing ang motibasyon ngayon ng pagtitipar ay ganito: na ako, bilang indibidwal na may labis na salapi dulot ng paghahanabuhay ko o ng aking mga magulang o mga benepaktor, ay nararapat lamang mag-tipar o mag-indulge sa anumang luho ko. O dili kaya'y baligtarin natin: ako, na kailangang magtipar o anumang luho ko, ay nararapat lamang magkaroon ng labis na salapi mula sa aking hanapbuhay o yaong sa aking mga magulang o benepaktor.
Saan ba umiinog ang ganitong motibasyon? Hindi ba't sa isang lipunang hindi pantay-pantay ang pagbabahagdan ng income, ni ang mga oportunidad para rito? Hindi ba't sa isang lipunang ang relasyon ng tao-sa-tao ay nauuwi sa tao-sa-ibang taong tinitingan bilang kasangkapan upang magkamal ng excess income?
Nauuwi ang ating mala-ekonomikong pagsasalsal sa isang malaking umbag: na tila ba umiiral ang kawalang-kapantayan ng oportunidad sa ating lipunan dahil sa ganitong motibasyon para sa pagtitipar at iba pang luho. At ang ganitong motibasyon para sa pagtitipar at iba pang luho ay naka-angkla sa isang lipunang may kawalan ng equality of opportunities. At tila ba self-perpetuating pa ang ganitong disposisyon.
Sa gayon, ang diumanong economics of partying ay tila ba isa lamang hustipikasyon para sa kanilang mga motibong wala naman talagang kinalaman sa pagpapa-trickle down ng mga economic benefits sa mga taong nakabababa sa kanila–sa pagpapaangat ng kanilang buhay–dahil nais nilang manatiling nakaaangat.
Sa huli, hindi pangongonsensya ang inirereklamong kaisipan ni Tim Yap bilang passe–"the country is in shambles and the country is having a hard time and you are out there partying"–ngunit isang malaking dagok sa ating laban para sa katarungang panlipunan, sapagkat hindi na nila kailanman ito iisipin.
(Work-in-progress po ang artikulong ito, bagkus, malaya kayong magbigay ng komento, panukala, patutsada at iba pa upang higit na tumibay itong pagtatangkang itong ipaliwanag–at buwagin–ang diumanong economics of partying)
Diyan ako papunta pare, sa hustisya. Kaw naman, inuunahan mo ako. Hehe. *kindat*
Posted by kapi at March 26, 2007, 3:55 pmNge! Di pa kasi binuo muna, hehehe! Okey ang labor statistics na ginamit mo rito, mukhang maganda ang direksiyong tinatahak na ng artikulo. O siya, aabangan ko ang susunod na kabanata!
Posted by Alex at March 26, 2007, 9:04 pmbilang ng populasyon sa pilipinas noong 2006
Posted by marnie at September 10, 2007, 12:54 pmMga gago ang nagbubukas ng site na to!!
Posted by Tae at June 16, 2008, 7:11 pmano ba yan google nga pero kulang- kulang
Posted by af at June 15, 2009, 5:26 pmlol , hoy tae wag ka nlng mag comment kung di mo gusto ! ikaw nga tong gago eh . . . manahimik ka !
Posted by kentOii at June 17, 2009, 7:31 pmayy ansama nmn bkt mei awayan portion.. d2..?
Posted by jenta at March 3, 2010, 8:42 pmTANGA NYO BOBO
Posted by FFFF at June 15, 2010, 6:50 pmI took 1 st personal loans when I was 20 and this supported me very much. But, I require the student loan once again.
Posted by CharlesMabel at August 7, 2010, 12:32 pmSonriendo ante la vida, usted se sentirá mundo realmente buena!
Posted by cheap lv bags at December 13, 2010, 3:51 pmThanks for the sharing of those article! That will be helpful.*
Posted by coach bags at December 16, 2010, 9:11 am1.Nice day, I feel very good
Posted by rs gold at March 25, 2011, 8:39 pm2.Everyone should have a love.Because love is pure.
Posted by runescape gold at March 25, 2011, 8:41 pm3.She is a good girl.She helped everyone.
Posted by wow gold at March 25, 2011, 8:46 pmSo fun article is! I agree the idea!
Posted by Coach Factory at June 9, 2011, 3:12 pmWelcome to shop Coach Outlet in our Coach Outlet Handbags online store. All of Coach Outlet Canada here are fashionable, lightweight and show female charm. Coach Outlet Online and fresh styles will give you lasting visual appeal. From http://www.coach-outlet-handbags.org/.
Posted by Coach Outlet Canada at June 13, 2011, 3:20 pmThank you for sharing this article! I really like it! Because of their relatively low level of writing. After seeing your article, I tried to write some of this stuff, I published here, such as Coach Outlet, Coach Outlet Canada and Coach Bags Outlet. Those are just a large blog, here there are some small blog site, also released a number of articles. From http://www.usa-coach-bags.com/.
Posted by Coach Outlet Canada at June 13, 2011, 3:20 pmThe vintage coach outlet is known has a special charm, especially when it comes to pieces of a certain level coach outlet online, brand names and companies. coach outlet stores knows that along with the famous auction house Christie’s held an exclusive coach outlet factory service, the bags historical protagonists of famous fashion coach factory outlet. From http://www.coach-outlet-online.cc/
Posted by coach factory outlet at June 13, 2011, 3:21 pmThe Oakley Sunglasses with start with sculptural physics, in this oakley sale season, shopping the Cheap Oakley sunglasses can add beauty!
Posted by oakley sunglasses at June 16, 2011, 3:54 pmIt’s been a while since I last did any walking/eating tour around the city because I’ve been very occupied with sport activities. However, since I’m forced to take a break from training due to my ankle injury, I have a whole day of gorgeous weather and free time to spend.
Posted by Discount Vibram Five Fingers at June 18, 2011, 11:22 amand harmonious life, according to Bao Gu said that there are streams after the valley, the weather was warm she can go to catch fish shrimp, mountains In addition to pear, according to Bao Gu
Posted by Oakley Sunglasses Sale at June 29, 2011, 2:55 pmThis is a wonderful article,I like it very much.
Posted by tory burch wholesale at July 5, 2011, 4:06 pmThanks for a nice share you have given to us with such an large collection of information
Posted by jimmy choo outlet online at July 6, 2011, 9:24 amI will bookmark your site to check if you write more great info about it in the future.
Posted by North Face Jackets at July 7, 2011, 9:54 amI am very very like this post. It is so interesting and awesome.
Posted by juicy couture outlet online at July 11, 2011, 7:47 pmGlad to visiting your blog,it’s nice and usefull,thank you!!
Posted by Coach Outlet Stores at July 26, 2011, 2:18 pmThe Juicy Couture Outlet offerings range from perfume,watches,sunglasses,Juicy Courue tracksuits,Juicy Couture handbags to toiletries, Juicy Couture Bags, and so on.
Posted by Juicy Couture Outlet at August 1, 2011, 1:33 pmAs a better known luxury good,gucci is an Italian fashion and leather goods label.Our gucci outlet wholesales the latest gucci products.New arrivals of discount gucci sale is attractive and you can purchase them in original gucci online retailer.
Posted by Gucci Outlet at August 1, 2011, 1:35 pmHello,the Article is very interesting,thanks for your sharing
Posted by Coach Factory at August 3, 2011, 2:54 pmThank you for the information!
Posted by UGG Boots Sale UK at August 12, 2011, 8:34 amThis is a wonderful article,I like it very much.
Posted by true religion outlet at August 17, 2011, 10:15 amA nice blog, I like it. Thanks, keep the good work.
Posted by cheap ugg boots at September 7, 2011, 10:38 amWith at ease and cozy feeling, purchase your do it yourself a pair of UGG Classic Short Chestnut Boots, you will get satisfaction from the style winter UGG Classic Short Chestnut Boots sale. precision craftsmanship is evident within your short UGG reinforced heel and raw seams. numerous people want to fit on short UGG generally because short UGG are designed of best excellent substance sheepskin which could retain your ft dry,warm and at ease in winter.
Posted by Polo Outlet Online at September 26, 2011, 9:06 amYour site is amazing.I am very impressed to see this,i want to come back for visiting your site.Keep doing Good as well as you can.
Posted by Ugg Boots Outlet at October 13, 2011, 2:20 pmPretty good post.i am very enjoy reading your article!
Posted by belstaff uk at October 24, 2011, 4:15 pmBest,I like it
Posted by moncler outlet at October 24, 2011, 7:40 pmGlad to visiting your blog,it’s nice and usefull,thank you!!
Posted by Belstaff Outlet at October 27, 2011, 8:14 amIt is I rarely find in the Internet as entertainment and you have something interestinghere. Your page is lovely, your graphics highlight, not to mention that you refer to, the use of relevant what you’re talking. Of course you are a in a million, good!
Posted by Coach Outlet Store Online at October 31, 2011, 1:58 pmI just really like your article.
Posted by cat boots at November 2, 2011, 9:00 amnice post,thanks for sharing.
Posted by North Face at November 2, 2011, 11:28 amWow, what a blog! I mean, you just have so much guts to go ahead and tell it like it is. Youre what blogging needs, an open minded superhero who isnt afraid to tell it like it is. This is definitely something people need to be up on. Good luck in the future, man.
Posted by Belstaff Outlet at November 5, 2011, 12:47 pmI’ve been visiting your blog for a while now and I always find a gem in your new posts. Thanks for sharing.
Posted by cheap ugg boots at November 14, 2011, 10:52 amSo fun article is! I agree the idea!
Posted by Coach Factory Outlet Online at November 15, 2011, 9:46 amNice post,thank you!
Posted by moncler online at December 5, 2011, 6:24 pmVery good!
Posted by moncler outlet store at December 20, 2011, 2:32 pmthank you for sharing. appreciate your effort.
Posted by Moncler Outlet at December 24, 2011, 11:31 amHaving read this post, I have learned for myself a lot of the new. Thanks
Posted by Polo Outlet at December 30, 2011, 10:25 amI have visited your blog several time. Your blogging is very helpful and useful. This is another one of this type. Your research for this post is appreciable. I am happy again to read your post .
Posted by Moncler Outlet at December 30, 2011, 1:50 pm
Kapana-panabik na hintayin ang mga ilalahad mong estadistika tungkol sa party economics.
Gayunman, hindi rin gaanong makatarungang basta na lamang na isantabi ang klase ng argumento laban sa malabis na partying bilang diumano’y “guilt trip” lamang, o bilang argumentum ad misericordiam na nagdudulot ng katabaan. Bagama’t nararapat lamang na pag-usapan ang partying ng mayayaman sa ekonomiko’t iba pang anggulo, hindi maaaring basta-bastang iwasan ang argumento ng pagiging kamuhi-muhi ng labis na partying sa isang mahirap na bansa.
Magiging “kapos sa lohika” ang argumentong ganito kung titingnan nga lamang sa anggulong “ubusin mo ‘yang pagkain mo sa plato dahil maraming nagugutom sa Pilipinas.”
Pero hindi sa ganito lamang nararapat na tingnan ang problemang ito, kundi dapat na tingnan bilang isa sa mga aspeto ng di-patas na pagbabahagihan ng yaman sa Pilipinas.
Nasa 19 porsiyento na ang lawak ng kagutuman sa buong bansa, batay sa pinakahuling sarbey ng Social Weather Station (SWS) — pinakamalawak mula nang ang SWS ay magsimulang magsarbey ukol sa kagutuman noong 1998. May 12 sikapat nang nasa 10 porsiyento pataas (double-digit) ang lawak ng kagutuman sa bansa, at dalawang magkasunod na sikapat nang nasa 19 porsiyento.
Nangyayari ito sa isang panlipunang konteksto kung saan, batay sa mga estadistika ng IBON Foundation, ay may 88 porsiyento ng populasyon ang nasa ilalim ng tinatawag na poverty line.
Ngayon, ayon sa isang pananaliksik ng dalawang siyentipikong Pilipino noong dekada 1980, ang Pilipinas ay may kakayahang magpakain ng hanggang 500 milyong tao. Nasa delikadong lagay na ang ating mga bundok at kagubatan pero ang ating food resources ay malayo pa sa panganib na mangapos.
Wala pa nga sa 90 milyon ang populasyon ng Pilipinas pero sangkatutak na ang nagugutom. Batay sa dami ng kayang pakainin ng ating bansa, isang malaking kasalarinan ang meron kang 19 porsiyento ng populasyon na dumaranas ng gutom.
Ang usapin ay hindi simple’t simplkistikong “pangongonsensiya” lamang. Kaya ganito karami ang nagugutom sa isang bansang napakarami ng kayang pakainin ay sapagkat di-patas ang pagbabahagihan ng resources sa Pilipinas.
Kapag ang mga karaniwang mamamayan ay humingi ng mas malaking bahagi sa mga bunga ng ekonomikong aktibidad, nauuwi sa wala ang kanilang mga kahingian — at madalas pa nga’y sa karahasan.
Ano ang nangyari sa panukalang-batas na dagdagan ng P125 ang sahod ng mga manggagawa? Maaaprubahan na nga sa Kamara de Representante’y iniurong pa.
Ano ang nangyari sa kahingian ng mga grupo ng magbubukid na itaas ang farmgate price ng palay? Ito’y kahingiang dumapo sa mga taingang bingi.
Ilan nang manggagawa ang pinaslang habang nangangampanya para sa dagdag na sahod? Ilan nang magsasaka ang pinaslang habang nananawagan ng totoong repormang pansakahan?
At pagkatapos ay makikita mo ang mga kagaya ni Tim Yap na gabi-gabi’y nagpipiging nang walang kapararakan.
Makatarungan bang ipagkait ang redistribusyon ng yaman, at hayaang patuloy na magbuhay-ipis ang karamihan, upang ang iilang mapribilehiyo’y patuloy na makapagtapon ng pera sa mga mamahaling aliwan nang gabi-gabi?
Posted by Alex at March 26, 2007, 3:44 pm