Maraming salamat para sa mga nagpunta sa "A Good Start," isang fund raiser ng Aksyon Edukasyon (sa tulong ng Kax and Jen Productions) para sa Mayamot Elementary School. Hindi lamang kayo nakatulong sa mga bata, naki-rakenrol pa kayo sa amin (Gapos) at sa mga astig na banda noong gabing iyon (Da Wuds, Shotgun Lola, Marf Creature, atbp. Sayang nga lang, nag-backout ang Death by Stereo.)
Kung hindi kayo nakapunta, well, sayang at umulan pa naman ng pawis at dugo, sugat at libag nang gabing iyon. (may mga litrato…)