Nahawa ako kamakailan lang kay Osh na nahilig makinig ngayon ng mga kanta noong dekada 70s, tulad ng VST & Co., Hotdog, at maging si Rico J. Puno. At ang sarap nga namang pakinggan! (Isantabi muna natin sa ngayon na nauso ang mga kantang iyon sa panahon ng Martial Law, na maaari ngang ginawa ang mga kantang iyon bilang pagtakas, pampa-manhid…)
Nabanggit ko lang sa huli kong post (i.e. ang resolusyon) na sampu sa diumanong "quarter-life crisis" ay ang pagnanasang magkaroon ng mga anak. Nais kong i-kuwento ang ilang engkuwentro nitong nakaraang weekend na higit na nagbigay-diin sa pagnanasang ito.
(Sa mga kaibigan kong kakaiba mag-isip, lilinawin ko lang, hindi ako pedophile)
Ito ang una kong beses na gumawa ng written na new year's resolution. Halata naman siguro kung ano ang impluwensiya ko ngayon: