sang tagumpay sa sambayanan (liban na lamang sa ilang alagad ng administrasyon) ang pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon ng Sigaw ng Bayan at Union of Local Authorities of the Philippines) para sa isang People's Initiative. Walong mahistrado ang bumoto para ibasura ang petisyon sa kawalan ng saysay, samantalang pito naman ang bumoto nang taliwas sa mayorya ng Korte Suprema.
Isa man itong tagumpay, isa itong maselang balanse na kailangan nating bantayan. Kilala natin ang administrasyon: sasagarin nito ang lahat ng magagawa nito.
Sa desisyong pinonente ni Hustisya Antonio Carpio, sinabi ng Korte Suprema na tama lang ang ginawa ng Comelec na pagbasura nito sa petisyon ni Raul Lambino at Erico Aumentado:
"The Lambino Group miserably failed to comply with the basic requirements of the Constitution for conducting a people’s initiative. Thus, there is even no need to revisit Santiago, as the present petition warrants dismissal based alone on the Lambino Group’s glaring failure to comply with the basic requirements of the Constitution."
Ngunit higit na kailangang idiin ang hiwalay na opinyon ni Punong Hustisya Artemio Panganiban:
"In both Opinions, I concluded that we must implement 'the right thing [initiative] in the right way at the right time and for the right reason.'
"In the present case, I steadfastly stand by my foregoing Opinions in Santiago and PIRMA. Tested against them, the present Petition of Raul Lambino and Erico Aumentado must be DISMISSED. Unfortunately, the right thing is being rushed in the wrong way and for the wrong reasons."
Ang petisyon nina Lambino at Aumentado ay parehong labis at kulang — labis ang hinahangad, ngunit kulang ang pagtupad — sapagkat nilabag nito ang Konstitusyon (na nagsasaad na para lamang sa mga amyendment ang inisyatibo at hindi sa mga rebisyon), ang Republic Act 6735 (na pinagbabawalan ang mga petisyon may higit sa isang paksa) at ang hurisprudensiya (ang PIRMA vs. Comelec at Santiago vs. Comelec).
Gayumpaman, pinaninindigan pa rin niya ang nakaraang desisyon na ang Republic Act 6735 ay sapat upang ipatupad ang Konstitusyonal na karapatan para magpasimula ng inisyatibo para amyendahan ang Konstitusyon. Gayun din ang kanyang pasya nang pagpasyahan ng Korte Suprema sa kaso ng Defensor-Santiago vs. Comelec noong 1997.
Ganito rin ang tindig ni Hustisya Reynato Puno sa parehong desisyon: na bagaman dapat ibasura ang petisyon ng Movement for People’s Initiative ay sapat din ang Republic Act 6735. Ngunit bumoto sa kabilang panig si Hustisya Puno sa pagkakataong ito. At ang dating sa akin ng paliwanag niya, mukhang panahon nang ipatupad ang people's initiative dahil nabigo ang mga mambabatas na gawing sapat ang batas:
"…This right of the people to make decisions is the essence of sovereignty, and it cannot receive any minimalist interpretation from this Court. If there is any principle in the Constitution that cannot be diluted and is non-negotiable, it is the sovereign right of the people to decide.
"This Court should always be in lockstep with the people in the exercise of their sovereignty. Let them who diminish or destroy the sovereign right of the people to decide be warned. Let not their sovereignty be diminished by those who belittle their brains to comprehend changes in the Constitution as if the people themselves are not the source and author of our Constitution…"
Silang dalawa na lang ni Punong Mahistrado Panganiban ang natitira sa Korte Suprema na may memorya ng Santiago vs. Comelec. Noon, pareho pa silang nasa concurring na panig pagdating sa pagbasura ng petisyon, samantalang dissenting sila pagdating sa pagka-sapat ng Republic Act 6735.
Ang botohan noon, walo laban sa lima laban sa anim. Bumoto para sa pagbasura sa petisyon at sa kakulangan ng Republic Act 6735 ay sina Hustisya Davide, Narvasa, Regalado, Romero, Bellosillo, Kapunan, Hermosisima at Torres. Ang lima naman–Hustisya Melo, Puno, Mendoza, Francisco at Panganiban–ay naniwalang sapat ang naturang batas. Si Hustisya Vitug naman, naniwalang dapat manatili na lang ang Korte sa pagiging sapat ng petisyon at hindi ng naturang batas.
Nang i-apila ang kaso, naging patas ang botohan (anim sa anim) sapagkat bumaligtad si Hermosisima at nag-inhibit si Torres. Hindi sapat ang mga boto, at nanatili ang naunang deisisyon.
Noong 1997 din, naglabas ng kahawig na desisyo ang Korte Suprema sa kaso naman ng PIRMA vs. Comelec na walang pag-aabuso ang Comelec sa pagbasura ng petisyon ng PIRMA. Sa ikalawang panalangin naman na balikan ang desisyon ukol sa pagka-sapat ng Republic Act 6735, pitong Hustisya–Narvasa, Davide, Regalado, Romero, Bellosillo, Kapunan, Torres at Vitug–ang nagsabing hindi na kailangang balikan ang desisyon sa Santiago vs. Comelec. Samantala, sina Melo, Puno, Francisco, Hermosisima at Panganiban ay nagsabing maiging balikan nga ito. Hindi naitala ang boto ni Mendoza.
Hindi ako abugado, ngunit nais ko lang sabihin na–tulad ng sa naunang mga desisyon ng Korte Suprema–may maselang balanse na kailangan nating bantayan at paka-ingatan. Nagbabago ang hangin, at maaaring matumba ang anumang pader na mahina ang pundasyon. Hindi pa panahon para magbunyi.
Oo, ang jurisprudence ay may epekto ng batas. Sa pagkakataong ito nga lang–na sinusubukan muli nating balikan ang mga nauna nang pinagpasyahan–manipis ang espasyo para sa tagumpay. Masikip na mismo ang botohan sa unang desisyon. Maaaring sa susunod na pasya ng Korte Suprema sa motion for reconsideration ng Sigaw ng Bayan ay may mga mag-inhibit, kung hindi man bumaligtad.
Sino kaya sa mga Hustisya ang babaligtad sa pagkakataong ito?
circles also red, sit on the ZhaoChengQuan bed, passionately say: farewell to the ancients say, life, a bosom friend is enough, I got you such a bosom friend, also complain. How is not very clear for me
Posted by Microsoft outlook 2010 at May 12, 2012, 11:16 am