Naiwan ko kanina sa bahay ang aking JPEPA files. Hindi ko tuloy ito naasikaso sa trabaho.
Sa kabilang banda, inasikaso ko naman ang 2007 Proposed Budget. Bago ko ito bigyan ng obhetibo at subhetibong pagsusuri, nais ko kayong bahagian ng ilang impormasyon ukol sa pambansang badyet.
Nanumbalik ako sa paglalaro ng NationStates kamakailan lamang nang mabalitaan kong 1) muntik nang sakupin ng mga tarantado ang aming rehiyon (ang United Philippine Alliance) at 2) nag-alok ang isa pang rehiyon (NS Philippines) ng isang alyansa laban sa mga mananakop.
Tuwing Sabado ko ginagawa ang mga bagay na hindi ko nagagawa sa mga araw ng trabaho. Kasama na rito ang magpakababoy at mag-rakenrol.
Kahapon, nag-bake kami ni PJ Mahal ng mga cupcake. Pagsapit ng gabi, tumugtog kami ng Gapos sa Purple Haze.
Hayaan ko na lang na mag-kuwento ang mga litrato…
Nung huling tugtog ng Gapos sa Freedom Bar at may in-house manghuhula sila, nagpahula ako at tinanong kung babalik pa ang pagtula ko. Ang sabi ng nabunot niyang baraha, "Wala, walang-wala na talaga… umuwi ka na lang."
Ngunit kayang baligtarin ang sinasabi ng kapalaran, baka namimili lang ng lugar. Heto, nasulat kanina sa Purple Haze (sa mga matador, paki-katay na lang):
Nang dumalaw dito sa bahay si PJ Mahal kamakailan lamang, napansin kong may bahagya siyang pagseselos sa dalawang malaking binder na nasa mesa ko at inaatupag noon sa pag-highlight at pagdikit ng post it. Huwag kang mag-alala, mahal, hindi kita pinagpalit sa JPEPAng iyan (i.e. Japan-Philippines Economic Partnership Agreement).
Nagkataon lang na tutok ako sa isyung iyan ngayon. Una, may hearing ang Trade Committee ni boss sa darating na Martes, at kailangang paghandaan ito. Ikalawa, tingin ko'y hindi lang basura ang dapat nating alalahaning lahat pagdating sa JPEPAng iyan.