Maglalaan ako ng bagong tag sa aking blog, na siyang magsisilbing outlet ko ng mga ideyang pang-negosyo.
At bakit ko naman gagawin ito? Bakit ko ipapangalandakan sa publiko ang mga ideya ko, samantalang maaari namang itago ko ang mga ito bilang sikreto at, kapag nagka-kapital, ay itayo? Iyon mismo ang problema ko: kapital.
So kung sino man ang gustong umangkop ng mga ideyang nakasaad dito ay malayang gawin iyon, kayo na ang bahala kung gusto pa ninyo akong bigyan ng royalty (i-cite na lang ninyo ako para, at least, meron akong puwedeng ipambuhat ng bangko). Kung gusto naman ninyo–at ito'y gustustung-gusto ko rin–ay maki-sosyo kayo sa aking sa mga ideyang negosyong ito, o dili naman kaya'y maging anghel para sa akin. Ngayon, kung ispesipiko kong binanggit na gagawin ko talaga (solo o may mga ka-sosyo) ang anumang ideya sa loob ng isang time frame, delikadesa na lang, ha.
Galing ang mga ideyang ito sa mga biglaang bulso ng isip, sa mga kuwentuhang inuman, sa mga usapang "ano kaya kung…" Malamang, nangyayari rin sa inyo ito, sa sarili lang o kasama ng inyong tropa. Lalo na't kung ka-age group ko kayo ay nag-iisip din kayo ng kung anumang puwedeng magpakapal pa ng pitaka.
Para sa ngayon, magbibigay lang ako ng ilang halimbawa:
Audio Narrowcasting/Sound Landscaping. Napansin naman ninyong ang Chowking, Jollibee at iba pang restawran ay may sariling istasyon ng radyo. Hindi istasyon sa radyo, timang. Yung pinapatugtog lang nila sa mga tindahan nila. Siyempre, mahirap nang magpatugtog ng radyo talaga, tapos, may lulusot na patalastas ng kalabang restawran. Bukod pa roon, bagaman malawak ang saklaw ng radyo ay kaunti lang ang mga pagpipilian, kaya mahirap i-akma ang kung anumang nariyan sa radyo sa brand image na gustong buuin ng establisyimento. At siyempre, mahiram nang ma-habla ng kung sinong artista riyan ng copyright infringement dahil hindi ipinaalam sa kanila (i.e. wala silang royalty) ang pagpapatugtog ng kanilang mga awit.
Mainam siguro para sa mga establisyimento (mapa-restawran man, tindahan o mall, o maging mga opisina, pribado man o sa gobyerno) ang magkaroon ng sariling radyo na naka-narrowcast (ibig sabihin, pinatutugtog lamang sa lugar ng establisyimento). Na ang mga pinatutugtog dito–bukod sa mga patalastas–ay musikang makatutulong sa pagbubuo ng ideyal na ambiance para sa negosyong iyon. Halimbawa, kung ang lugar ay isang tindahan ng damit, at kung nais ng may-ari na relaxing ang tugtugin upang hikayatin ang mamimiling magsukat lang nang magsukat, eh di dapat naka-disenyo ang musika sa ganoong hangarin, hindi panay trans na musika (yung toog-ts-toog-ts na pinatutugtog sa bus).
Ang madali ngunit mahal na pamamaraan upang magawa ito ay ganito: i-disenyo ang sound landscape, mamili lamang ng mga kantang available na at bayaran na lamang ang lisensya sa paggamit ng mga ito. Ngayon, may iniisip akong modelong higit na maganda, at sikreto ko na iyon. Bwahaha! De, i-share ko na rin: kolektibong paglikha't pag-disenyo ng musika (malamang ay mga instrumental) ayon sa brand image o sound lanscape na nais buuin. Mas mura ito, puwede pang i-customize talaga ang musika para sa pangangailangan ng kliyente.
Podcast advertising. Ito siguro, magiging viable kapag higit na naging laganap ang podcasting sa Pilipinas. Hindi lamang ito paglalaan ng espasyo ng podcast para sa mga patalastas, kundi ang pag-disenyo mismo ng podcast para sa advertiser. Isang show, halimbawa, na naka-tutok sa mga benepisyo ng toyo sa katawan, na, siyempre, ni-isponsor ng isang kumpanya ng toyo. (Teka, medyo evil na ideya ito ah…)
Bakit ko naman naisip ito? Ganito kasi iyon: isa sa mga long-term plans ng Tribeless Records ang paglulunsad ng sarili nitong serye ng mga podcast upang i-promote hindi lamang ang musika ng mga artista ng Tribeless kundi pati na rin ang mga panlipunang komentaryo't mga advocacy (political commentary from the youth, ika nga). Ngayon, iniisip kong may isang segment na siyang magiging milking cow ng lahat ng iba pang serye ng podcast (bagaman dapat ay low overhead na ito dahil nariyan na ang recording equipment).
Ano ito, aber? Isang cooking show para sa kabataan, na isponsored ng, siguro, isang tatak ng de-latang tuna, at isang tatak ng mga paminta. Ganito ang eksena: gigising si Bache nang tanghali na (mula sa inuman) at maghahanap ng makakain. Walang mahanap, kundi isang lata ng tuna at ilang bote ng spices. Ang putahe ay pa-iba-iba, ngunit iikot lagi sa mga sangkap na iyon. Sa huli, may mensahe pang ganito: say yes to food trip, but no to drugs. O ha! Hehehe.
Ito na muna siguro, marami pa riyan, ang ilan–tulad ng nabanggit na kanina–ay kikimkimin ko muna. Tulad ng binabalak naming negosyo nina Leo at Oshti na may kinalaman sa mga prutas at mga dahon-dahon (gulay ha, hindi kung anuman iyon). Siyempre, malamang ay matuloy na nitong Pasko ang negosyo namin ni PJ na mga cupcake (umorder kayo, ha? Magpo-post ako ng mga litrato rito ng mga obra ni mahal). At ang Tribeless, bagaman pinipilit naming hindi, ay isang negosyo, at sa Disyembre o Enero na ang unang labas ng aming CD-compilation.
bakit hindi?
Posted by kapi at October 3, 2006, 9:51 amHindi ako bibili ‘pag si Mic ang nagbalat gamit ang kanyang molars.
Posted by Tam_Bolero at October 3, 2006, 7:50 pmgawa na lang tayo ng mongo bread… imbis na mongo, kulangot at kulugo na lang para mas mura at mas malaki ang tubo
kelan inom? tumatanda na tayo! ginagawan na ng tribute ang kinakanta natin noong kolehiyo…
Posted by pulang araw at October 4, 2006, 9:47 ameh kung binalatan the usual way? pero walang nakakaalam ah
teka pano yung joint bday natin?
Posted by mic at October 4, 2006, 7:13 pmmic, mag-ambag ka na lang ng alak sa bertdey ko sa biyernes. para marami kayong tutunggain.
pulang araw, ikaw ba si nikko? o koreano ka ba? sa beernes, op kors!
Posted by kapi at October 5, 2006, 9:33 amhow old are these people engage in this projections? I’ve noticed the last message was of October 2006….is this still active?
Posted by Sam at March 17, 2009, 10:02 pm*People are always telling you what to do, but what’s right for them may not be right for you.
Posted by jordan shoes at December 29, 2010, 9:18 amnatawa naman ako doon! butong pakwan na balat na,pwede din! haha,mag nenegosyo ako nang coffee shop at ang special n coffee ko ay kape na may ice cream sa ibabaw. hehe!
sugar
Posted by Fast cash loan Philippines at May 11, 2011, 2:10 pmSo fun article is! I agree the idea!
Posted by Coach Factory at June 9, 2011, 3:12 pmWelcome to shop Coach Outlet in our Coach Outlet Handbags online store. All of Coach Outlet Canada here are fashionable, lightweight and show female charm. Coach Outlet Online and fresh styles will give you lasting visual appeal. From http://www.coach-outlet-handbags.org/.
Posted by Coach Outlet Canada at June 13, 2011, 3:14 pmThank you for sharing this article! I really like it! Because of their relatively low level of writing. After seeing your article, I tried to write some of this stuff, I published here, such as Coach Outlet, Coach Outlet Canada and Coach Bags Outlet. Those are just a large blog, here there are some small blog site, also released a number of articles. From http://www.usa-coach-bags.com/.
Posted by Coach Outlet Canada at June 13, 2011, 3:15 pmThe vintage coach outlet is known has a special charm, especially when it comes to pieces of a certain level coach outlet online, brand names and companies. coach outlet stores knows that along with the famous auction house Christie’s held an exclusive coach outlet factory service, the bags historical protagonists of famous fashion coach factory outlet. From http://www.coach-outlet-online.cc/
Posted by coach factory outlet at June 13, 2011, 3:17 pmSuccess breeds success. (People who are successful find it easy to repeat their success)
Posted by Vibram at June 18, 2011, 11:21 amGlad to visiting your blog,it’s nice and usefull,thank you!!
Posted by Coach Outlet Stores at July 26, 2011, 2:09 pmthough this was actually published on 2006, still, i find this article so informative. Thanks so much for sharing. I hope it had also helped the others.:)
Posted by philwebervices at August 25, 2011, 1:36 pmA nice blog, I like it. Thanks, keep the good work.
Posted by cheap ugg boots at September 7, 2011, 10:34 amthank you for sharing. appreciate your effort.
Posted by Moncler Outlet at December 24, 2011, 11:44 am
ano na nanyari sa “chokolit tsip” business?
ito weird idea ng negosyo: butong pakwan na binalatan na. bibili ka?
Posted by mic at October 2, 2006, 11:27 am