Dapat lang!

Wednesday, October 25, 2006

Ayon daw sa mga sources ng ABS-CBN, ibinasura na ng Korte Suprema (8-7) ang petisyon para sa People's Initiative ng Sigaw ng Bayan at Union of Local Authorities of the Philippines.

Hindi pa opisyal ang balitang ito dahil wala pang papel na inilalabas ang Korte Suprema. Gayumpaman, kung baligtad ang balita ngayon sa sasabihin ng papel, wasakan na ito (at ang dami naman yatang trial balloon)..

Posted by kapi at 12:50 pm | permalink | comments[1]

Tugtugan!

Pagkatapos ng mahabang panahon ng kawalan ng rakrakan, tutugtog ang Gapos sa Sabado, ika-28 ng Oktubre, sa Freedom Bar, Anonas, Quezon City. (Sana lang, puwede ang mga ka-banda namin).

Kasama namin sa tugtugang ito ang kagimbal-gimbal na Balete Drive nina Mic et al. Sana'y maki-maskirakenrol (i.e. maskipaps na rakenrol) kayo sa amin.

Posted by kapi at 9:42 am | permalink | Add comment

Isang Bunga

Tutal, nauuso naman ngayon ang mga makabayang kanta (hal. "Noypi" ng Bamboo; "Isang Bandila" ng Rivermaya; "Bebot" ng Black Eyed Peas, gaano man ka-absurdo ito; at–ayaw ko mang gustuhin–'yung Pinoy Big Brother theme ng Orange and Lemons), makikiuso na rin ako. Ngyork ngyork.

Dati na itong naisulat, binago ko lang nang konti. Sinulat ko ito para sa Gapos (sana trip nila, kahit medyo pluralistic ang tema. Hehe). Dati itong sinulat para kay PJ Mahal noong nagpunta siya sa Bukidnon para sa JVP. Wala pang pamagat ito. Paki-kritik naman po.


(more…)

Posted by kapi at 9:31 am | permalink | comments[2]

Sayawan na ba?

Monday, October 23, 2006

Umamin kamakailan lamang si Punong Mahistrado Artemio Panganiban na may pressure na hinaharap mula sa iba't ibang kampo ang Korte Suprema ukol sa nalalapit nitong desisyon sa kaso ng People's Initiative. Sinabihan naman siya kahapon ni Raul Gonzales, Kalihim ng Hustisya, na mag-lie low upang maiwasan ang mga pressure na nabanggit.

May nasagap akong tsismis na boboto ang mayorya sa mga mahistrado para sa petisyon ng Sigaw ng Bayan at Ulap. Wala pa ang opisyal na desisyon, at sana nga hindi ganito ang kanilang pasya. Sana'y trial balloon lamang ang tsismis na ito.


(more…)

Posted by kapi at 8:18 am | permalink | Add comment

Marami pa akong kakaining cook book

Kung hindi lang ninyo alam, isa akong closet chef tuwing tinatanghali ng gising at napipilitang magluto ng sariling agahan. Kung anu-anong masasarap na putahe ang nagagawa ko, na ako lang ang nakaka-kain.

Akala ko'y isa akong henyo. Matakaw lang talaga pala ako. Mananatili na lang akong alalay, taga-bili at taga-tikim ni PJ mahal, ang diyosa ng kusina. Resulta ng test na kinuha ko sa OKCupid! tungkol sa pagiging gourmet:


(more…)

Posted by kapi at 7:54 am | permalink | Add comment

     

October 2006
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Sponsored Links

Kalawanging Kapi

Francis Y. Capistrano a.k.a. Kapi. Lalaki, 26 taong gulang, taga-lungsod-Quezon (Pilipinas).  Work-alcoholic staffer ng isang senador na palengkero. Dating peryodistang pagal na sa balita. Dating aktibistang binibisita na ng katandaan. Negosyanteng ni hindi pa nakapagpupundar. Makatang tigang. Musikerong mukhasim.


    

Mga Litrato

Contacts and Legal

kapicapistrano@gmail.com 

lumang kapi

Technorati Profile

 

SOME RIGHTS RESERVED

Creative Commons License

Kalawanging Kuwerdas is licensed under a Creative Commons Attribution- No Derivative Works 3.0 Philippines License, unless stated otherwise.

 

Sa madaling sabi, maaari ninyong sipiin o kopyahin nang buo ang anumang artikulo o larawan o audio file dito, mangyari lamang na:

1) Laging ilakip ang pangalan ng may-ari ng blog, ang pangalan ng blog at ang URL;

2) Hindi maaaring kalikutin o manipulahin ang anumang artikulo, larawan o audio file dito nang walang pahintulot ng may-ari.

Support Creative Commons Philippines!

 

DISCLAIMER: Ang mga kataga at opinyong isinaad dito ng may-ari ng blog na ito ay kanya lamang at hindi kinakailangang katulad ng sa kanyang mga kinabibilangang organisasyon. Sa kabilang banda, ang mga komento at opinyong isinaad dito ng mga mambabasa ay hindi kinakailangang katulad ng sa may-ari ng blog.

 

 

Plurky

Salindila

Subscribe

Technorati
Bloglines

Tsismisan

Cebuphoto.org:

Learn Digital Photography

Travel Jakarta Bandung:

blog walking here

funny video compilation:

Watch free funny videos compilation

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

Mayweather vs Pacquiao:

Mayweather vs Pacquiao Fight, News and Updates

freehost:

free webhosting. Get your own customized website on the internet in minutes. http://mlangonline.com

hello:

hello. check wy wrists’s status. come to my blog.

Job hiring:

nice blog theme ah, san mo nkuha bro?

yol:

si kapi? ang astig daw nung taong yun

pogi:

tang ina nyu

kapi:

Oo nga, hehe. Di ko alam kung paano nangyayari iyon…

moo:

mahal, funny, ginamit pala ito bilang chat room. :P

borlogs_kutamura:

auz na site to ah puro hurlada lang ng hurlada hehehhe….katuwang basahin mga patamang madaling kilalanin kung sinu ang pinapatungkulan..hahhaha

vins:

Kapi! :)

whocare:

walng kwentang isda

chelle:

dyosen meron ka na rin ba dun sa kemistri?

chelle:

ui kriza anom na?

chelle:

kya nga tinanong qoh sau kung panu pra tsismisan tau ei!

chelle:

kaya nga zan kya kumuha si franz!

venice:

‘c kitty ddi marunong nnito… ‘haha ! ‘naiinggit xa…

Leave a message ▼