Huling Pagtitimpi

Thursday, September 10, 2009
Aaminin ko sa inyo: paminsan-minsan, napag-uusapan naming mga magkakaopisina kung “saan mo gustong ma-appoint kung manalo si Mar.” Kung saang departamento sa gobyerno, o sa Malacañang mismo, o kung anong posisyon, sa Manila ba o sa probinsya, atbp. Minsan na akong na-kantyawan na “magiging press usec,” kung anuman ang ibig sabihin ‘nun. At napupunta minsan ang usapan sa “saan kaya bagay si ganito? Siguro sa DepEd, o sa PMS, o sa Agri, etc. etc.”
 
Anyway, sigurado na ako na may mga taong “shocked” o “aphalled” o kahit “disgusted” pagkatapos mabasa ito. Malamang, iniisip nila, “nagtatrabaho sila para sa isang presidentiable kasi gusto nilang malagay sa poder pag nanalo sila. Ganyan talaga ang kalakaran sa pulitika: ang kapalit ay pabor.”

Pero sasabihin ko sa inyo: tuwing natatanong ang mahiwagang tanong na iyon, ang madalas na sagot: ewan, hindi ko alam.

Iilan lang ang kilala kong may definite na sagot. Tulad ng dakilang si Tata Gil, ang matatag na photographer ni Mar. Ang hangarin niya, maging chief photographer ng isang Pangulo, at gumawa ng libro pagkatapos noon. At si Mar, tiwala siya, magiging mabuti at magaling na Pangulo, and therefore magiging mabuting subject. Minsan na akong na-kantiyawang maging press usec, kung anuman ang ibig sabihin noon. Pero ang laging sagot sa tanong na iyon, “hindi ko alam, depende, kung saan ako ilagay, o kung isama man ako.”

Mga ilang linggo bago i-anunsyo ni Mar ang kanyang pag-atras noong September 1, na-lock in ko na ang “standard answer” ko sa tanong na iyon: “sa totoo lang, ayokong sumama sa Malañang, babalik ako sa private. Tingin ko mamamatay lang ako doon sa cardiac arrest. Pero kung tawagan ulit ako ni Mar, gaya ng kung paano niya ako tinawagan bago ako napasok sa opisina niya, baka hindi ko rin siya matanggihan. Assuming na manalo ha.”

Ang kasunod noon, “tingin ko, hindi ako bagay sa executive. Kasi doon, dalawa lang ang opsyon: maging uber-cardiac na technocrat na kinakabog araw-araw o nagpupuyat gabi-gabi; o pa-bandying-bandying na bureaucrat kasi may kapit siya sa itaas. Mas pipiliin ko ang nauna, pero dahil sa lagay ng katawan ko ngayon, di ko yata kakayanin.”

Which brings me to my second admission. Oo, aaminin ko sa inyo: may ilang beses nang sumagi sa isip ko na umalis na at magpahinga. Oo, kalusugan ang pangunahing dahilan: ang bata-bata ko pa, 26 anyos, umiinom na ako ng gamot pang-kolesterol. Pramis, hindi Pfizer ang gamot ko. Well, maraming nagsasabi sa akin na “right diet and exercise.” Sinubukan ko, nasundan ko naman yung una, yung pangalawa ang hirap gawin lalo na kung nagpuyat ka kinagabihan pero kailangan mong tumakbo agad sa opisina pagkatapos. Na parang latang-lata at lasog na lasog na ang katawan ko. Wala namang latigo.

Siyempre, may iba pang mga dahilan kung bakit ko naiisip na mag-resign na, may kinalaman din sa puso in a figurative way, pero ito ang pinaka-matimbang. Naisip ko, nagbakasyon na ako nang isang buwan, pero ganoon pa rin. Medyo unfair naman sa tingin ko kung humiling ako ng isa pang buwan para subukang magpahinga’t magpalakas. Mas mabuting magpahinga na’t isipin ang pangsariling interes, naisip ko. “Mangangampanya” sa ibang paraan, naisip ko. Pero sa pinal na resolusyon, naisip ko:

“Tapusin ko na ito. Isang taon na lang.”
 
* * *

Conversation with Mar after I initially rejected his job offer (Note: nangyari ito right after a presscon–one of the rare ones that time–na ipinatawag niya sa kanyang opisina para tulungang ipanawagan ang mga magulang nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño na ilutang na ang mga anak nilang dinakip ng militar. Aambushin ko pa sana si Mar tungkol sa fiscal incentives, pero pinaupo niya ako sa sofa.)

Mar: “O, why naman you rejected my offer?”

Kapi: “I’m pursuing my journalism career. And I plan to study too.”

Mar: “The studying part, I can help you with that. But more importantly, are you really happy with your job right now? Do you really want to spend the rest of your life observing the events as they happen, but in the sidelines? How about being really involved in how our country is being shaped? You’re joining the ‘big league’ here. And about the studying part, I think you’ll get a much more fulfilling education while working hands-on on the things that matter to our country.”

Kapi: “I get your point. But I have this dilemma: if I join you–a politician, someone I cover–then I’m compromising my career now. I can’t go back to journalism after this. So I’m making this risk. So first of all, I want to know what you stand for and if it does not conflict with my own beliefs. Admittedly, I don’t know you too well, I don’t get to interview you much. What I know is that you’re a free marketeer, and I’m inclined towards socialism.”

Mar: “True, I’m for a free market. But more importantly, I am for fairness. I am for equal opportunity for all. So the free market must work for those principles and under those principles. That’s why, if you don’t know, I was among those who blocked the first world agenda in WTO-Cancun because it is unfair. I am against injustice, like what happened to the daughters of the two mothers who went here. I believe in the individual–that he is the greatest resource our country has. And the government must take care of them, not like what’s happening now.”

Habang nangyayari ang pag-uusap na iyon tungkol sa mga paninindigan niya, naroon si Gerry Roxas as painted by Manansala sa pader sa likod ng kanyang mesa. Sa pagkakapinta sa kanya, para siyang agila.

Ang sagot ko, “oo.”

* * *

Ngayong nag-iba na ang ihip at kulay ng hangin–dilaw at hindi bughaw–lalong hindi napalagay. Isa nga sa mga laging bukambibig ni Mar, how businesses hate uncertainty. Yun ang pinakabagay na salita ngayon: uncertainty.

Tulad ng, ano’ng mangyayari sa amin? Pasasampahin ba kami sa kampanya ni Noynoy? Puwede ba kaming manatili kay Mar, whether or not tatakbo nga siyang VP? May chance ba tayong pumili? Or that third option, alis na tayo? Lumiligoy-ligoy ang mga tanong na ito, na para bang nakasalalay ang kapalaran namin sa mga bituin. Hindi pa namin alam kung ano ang hitsura, ano ang “operationalization,” ang hugis at mukha ng pagbabagong ito ng kulay ng hangin.

Ang maisasagot lang siguro sa ngayon: “Tuloy ang laban. Tuloy ang trabaho. Ang dami pang pending.”

Habang hinihintay kung ano ang “kumpas” ng itaas ukol sa kapalaran namin, naaalala ko ang siguro’y pinakamatingkad na kawikaan ni Mar. Bukambibig na nga, parang sirang plaka kung tutuusin: “ang kapalaran ng ating bansa, wala sa pagkaka-hilera ng mga bituin. Ang kapalaran natin bilang bansa, nasa kamay nating mga mamamayan nito.”

Oo, pupunta ako dun sa “Confucian Analects” na gustong-gustong ginagamit ni Mar sa kanyang mga speech (lalo na kung, one way or another, hindi niya gusto yung speech na ginawa namin para sa kanya, hehe). May isang wise man na ermitanyo na bulag. Puntahan ng lahat–hari man o pesante–para humingi ng payo. May isang bata, gusto siyang testingin. Pumunta siya kay wise man, may dala-dalang ibon: “buhay ba ito o patay?” Sabi ni wise man, “hindi ko masasabi kung buhay o patay ang ibon na iyan. Kung sinabi kong buhay, dudurugin mo ang ibon gamit ang iyong kamai. Kung sinabi kong patay, bubuksan mo ang kamay mo, papaliparin ang ibon. Ang masasabi ko lang, ang ibon nasa kamay mo.”

 
* * *

Sa mga nagdaang araw, para akong ibong aligaga: di mapalagay kung buhay ba ako o patay. Nakaninong kamay nga ba ako ngayon? Pero hindi naman ako mapupunta sa kung-kaninumang-kamay na iyon kung hindi ako nahuli, o kusang dumapo roon. Labo. Pero oo, aligaga ako–at marami sa mga ka-opisina ko ang aligaga–sa kung ano ang mangyayari. Sa palagay ko, mga kapwa ko Martian, ang panawagan sa atin ngayon: ang kapalaran, hawak natin sa ating kamay.

Tototohanin ko kayo: wala pa akong matibay pasya ngayon, kung magpapa-integrate kay Noynoy, kung mananatili kay Mar, o kung itutuloy na ang matagal nang lumiligoy-ligoy na balak na mag-resign at mag-”move on.” Yung ikatlo, talagang nakaka-tukso, at ang una kong gagawin, ituloy na ang matagal nang na-hybernate kong pagpursigi sa musika. Pero sa totoo lang, wala pa akong matibay na pasya.

Ang mahalaga lang sa ngayon: ang dahilan kung bakit isinakripisyo ni Mar ang kanyang presidential bid. Saan man ako mapunta; sa mga ka-opisina ko, anuman ang maging pasya ninyo; sa mga kaibigan at iba pang mambabasa, saan man kayo ngayon at kung anuman ang pinupursigi ninyo ngayon — ang pinakamahalaga, ang bansa natin. Sa anumang gawain natin o pagpapasyahan natin, nakasalalay ang kinabukasan natin bilang isang bansa. At kung ito ang isinasaalang-alang, wala nang pangangailangan pang magtimpi.

Saan man tayo papunta, tuloy ang laban!

Posted by kapi at 12:58 pm | permalink | Add comment

Pagtitimpi Part 2

Tuesday, September 8, 2009

Isa ako sa mga staff na piniling manatili sa opisina kaysa pumunta sa Club Filipino sa masalimuot na araw na iyon, unang araw ng Setyembre, nang i-anunsyo ni Mar na susuportahan niya ang kandidatura ni Noynoy sa pagka-pangulo. “Magmo-monitor ako ng balita,” kako. Nag-monitor naman talaga ako.Pero sa totoo lang, inaasahan ko na ang mangyayari, at ayokong malunod sa pagbaha ng luha.

Hanggang ngayon, patuloy ang pagtitimpi. Patuloy ang pagtitimpi. Patuloy ang pagpipigil ng samu’t saring emosyon na hindi ko pa rin maintindihan hanggang sa ngayon. Martes ngayon, parang noong nakaraang linggo: katatapos lang ng holiday.Ngayon ko papatunayang may kontroladong pagdadalamhati.

* * *

“Nagiging sentimental ba ako?
Pasensiya, ginoo, ganito siguro ang minumulto.
Ganito ang nangyayari kapag
bumabagyo sa labas at walang magawa sa loob ng bahay,
at sa kalooban ay dalawang bato ang nag-uumpugan:
tungkulin at hangarin,
hangarin at tungkulin.”
In Memoriam, Jose Lacaba

* * *

Ayokong umiyak (o, pinipigilan ko ang pag-iyak) dahil alam kong walang dahilan para magluksa.

Marami nang nagsabi–at oo, naniniwala ako–na talagang dakila ang ginawa ni Mar noong Martes. Sinakripisyo niya ang kanyang “ambisyon” para sa pagka-Pangulo–sampu ng lahat ng naipundar na niya sa kampanya–para lang pagkaisahin ang Partido Liberal at ang mga puwersa ng reporma. Kahit na, sa totoo lang, hindi naman sila nag-away ng “pakner” niyang si Noynoy. Kahit na, sa totoo lang, pinagsasabong sila ng mga tarantado lang talaga na gustong magulo ang LP dahil sa kanilang mga sariling interes.

Bago ako madala ng emosyon (dahil gusto ko talagang pagbubuhulin ang mga ahas na iyan), uulitin ko: nagsakripisyo si Mar. Hindi siya natalo. Kaya walang dahilan para magluksa.

Walang dahilan para magluksa dahil naipakita ng aking lider–sa kabila ng mga paratang at mga paghuhusga sa kanya–ang kanyang tunay na pagkatao.

* * *

Tatlong taon na akong nakay Mar pero hindi na ako doon sa orihinal kong designasyon bilang “kulit guy” ng aming legislative team. May isa’t kalahating taon na akong nasa Communications team. oo, gagana dapat ang pagiging “makulit” ko sa departamentong ito. Ang propaganda, dapat makulit, hindi ba?Pero oo, pareho kami ng sentimyento ni Kael, kahit hindi ako ang speechwriter.

Ang titulo ko, “deputy communications head,” pero hindi ko talaga ito maipagyabang o maipagmalaki. Lalo na sa harap ng kantiyawan: “Tangina Kapi! Ramdam kita! Hindi kita pababayaan!” Dahil dito, alam kong di ko nagawa ang trabaho ko nang mahusay.

Two weeks ago, sa isang operations meeting, pinag-usapan ang ads vis-a-vis the latest survey results. Siyempre, di ko maibo-broadcast dito ang buong pag-uusap dahil malamang sa hindi ay gamitin ng kalaban. Pero ito ang masasabi ko: malaki ang gastos namin sa ads, pero 1/3 lang ng ginastos ng pangunahing kumpetisyon. Pero malaki pa rin iyon, at malaki sa kabila ng statistical status quo.

Kaya ang sabi ko: “pinag-uusapan na ba ang susunod na ad? Dahil kung oo, magbibigay kami ng mga konsepto.” Huli na pala ang lahat sa puntong iyon.

* * *

Hindi naman ads ang lahat. Pero sa opinyon ko, masasabi kong kung higit lang sanang epektibo ang mga ads namin sa pagpapakilala kay Mar sa mga tao, hindi na sana niya ginawa ang sarili niyang “pagpapakilala” noong unang araw ng Setyembre.

Dahil hindi siya ang pinakilala sa mga ads. Ha? Hindi tayo ramdam ni Mar? Pababayaan tayo ni Mar? Hindi lalaban si Mar? Hindi yun ang sinasabi ko, gago.

Ang sinasabi ko, hindi minamaliit ni Mar ang kakayahan ng tao. Sa kanya, tao ang pinakamahalagang yaman ng bansa. Kaya hindi niya minamaliit ang husay, talino at kakayahan ng tao na umunawa at magpasya para sa kanilang kapakanan. Sa tao nakasalalay ang kinabukasan ng bansa, hindi sa mga bituing tumataginting at kumakalansing.

Ang sinasabi ko, hindi mababaw si Mar. Hindi siya plastik o mapagpanggap. Hindi siya panay gimik at showbiz at arte lang. Hindi siya si Pichay na “pangarap kong tuparin ang pangarap ninyo” ang bukambibig, dahil hindi naman dapat bukambibig lang iyon.

Which brings me to the quandary: bakit ngayon lang ako nagsasalita tungkol kay Mar? Bakit ngayon ko lang sinasabi kung sino siya, kung kailan naipakita na niya kung sino talaga siya? Higit sa lahat, bakit parang ngayon lang ako humahanga sa kanya?

Alam kong hindi ko nagawa ang trabaho ko nang mahusay. Oo, nagsisisi ako. Walang dahilan para magluksa, pero may karapatan akong magsisi.

* * *

Kung tutuusin, alam ko kung ano ang inaasahan ninyong isusulat ko ngayon. Sabi nga ni Paul, yung “part 2″ e buhay legtech ko. At “part 3″ ay buhay Comm ko. Sinimulan ko kasi sa kuwento kung bakit ako napasok, lohikal lang na ikwento ko kung bakit patuloy akong nagtrabaho para kay Mar.

Yun na nga ang problema: hindi ko alam kung bakit hindi ko maikuwento.

Dahil walang maniniwala? 

 

To Be Continued  

Posted by kapi at 12:32 pm | permalink | Add comment

Ang Simula: Bakit Ako Naging Martian? (Pagtitimpi, Part 1)

Wednesday, September 2, 2009

Naaalala ko yung isang “inspirational talk” na ibinigay ko sa Matanglawin* mga ilang buwan na ang nakakaraan.

Sabi ko sa kanila, “maling tao yata ang kinuha ninyong magbigay ng ‘inspirational talk’ sa inyo. Pero hindi ko alam kung paano ako magiging “inspiring” sa inyong mga batang lawin. Dating matalim ang panulat laban sa kabulukan sa gobyerno at lipunan, ngayon’y taga-loob sa mismong sistemang iyon. Dating punong patnugot ng Matanglawin, ngayon nagtatrabaho para sa isang pulitiko.”

Dagdag ko, “kaya hindi ko talaga alam kung bakit ako ang kinuha ninyo. Para magsabing huwag ninyo akong tularan?

“Tototohanin ko kayo. Wala talaga sa orihinal kong plano ang magtrabaho para kay Mar Roxas. Pero nang ibinigay sa akin ang pagkakataon–at pagkatapos kumbinsihin din ng mga dating Matanglawin na ’subukan mo ang gobyerno, para alam natin kung papaano ito aayusin mula sa loob’–e di sinubukan ko.

“At narito pa rin ako ngayon, tatlong taon na. Masasabi ko na hindi ako mananatili kay Mar kung tinunggali niya ang mga prinsipyo’t paniniwala ko. Hindi ako mananatili kung may nakita akong mali–kung kurakot siya, o tamad siya, o bara-bara ang kanyang kilos, o kung wala siya mismong prinsipyo. At natulkasan ko: hindi yata pulitiko ang pinagtatrabahuhan ko.

“Hindi ko sinasabing iboto ninyo si Mar; hindi ako nandito para mangampanya. Ang masasabi ko lang sa inyo, saan man kayo pupunta pagkatapos ninyong grumadweyt–mapa-NGO man o full-time aktibista o mag-corporate world o kaya’y sumabak din sa mainstream politics–iisa lang ang habilin ko:

Matanglawin kayo. Mata-Tanglaw-Lawin. Una sa lahat, huwag kayong pipikit.”

*Matanglawin — opisyal na pahayagan sa Filipino ng Ateneo. Itinuturing ng marami bilang aktibistang organisasyon. Itinuturing mga dumaan dito bilang isang kapatirang humubog sa kanila bilang tao.

* * *

Maling habilin yata ang binigay ko. Dahil kung napapaluha ka, napapapikit ka talaga.

* * *

Flashback mahigit tatlong taon na ang nakalilipas: reporter pa ako noon ng BusinessWorld. Reliever ako sa Malacañang reporter namin. Hate na hate kong pumunta sa Malacañang: ang layo-layo ng kailangang lakarin. Tapos libre pa ang lunch sa Senate, dun sa beat ko talaga.

Hingal na hingal ako noong pumapasok sa security ng palasyo nang biglang kumiriring ang telepono. Si Mar yung tumatawag.

Kakaiba ito a, sabi ko sa sarili ko. Kasi, sa lahat ng senador, si Mar lang ‘yung hindi sumasagot sa mga tawag ko para sa interbyu, o kahit sa text man lang. Buti pa si K, si J, si R, si N, madaling kausap, suki ko pa sa mga economic issues. Si D o P, ang dami pang masasabi, aabot kayo sa buhay nila noon sa Subic o noong Corporal pa siya sa AFP.

Pag si Mar tinanong ko, tawag man o text, walang sagot. Minsan lang nag-text yun: sabi niya, Merry Christmas. Siguro Pasko noong dinistorbo ko siya, o talagang nakulitan lang sa akin.

“O, how are you?” bati niya. “How are things going? What are your plans? How’s your job? Do you plan to stay? How’s your pay?” O, bakit bigla na lang naging concerned ito? Kaya sagot ko: “well, I’m getting relatively better pay than my friends working agonizing night shifts in the call centers.” Di  ko maalala kung nanadya ako noon.

Habang iniinspeksyon ng PSG ‘yung laptop bag ko, tinanong ako ni Mar: “I’m currently looking for a good researcher for my staff. Do you want to work for me?” or something like that. “Like I said, I want to pursue my journalism career, but I’ll think about it,” sagot ko. “Great! I’ll have my chief-of-staff meet you up.” Natapos ang kakaibang usapang iyon.

Two days later, nakilala ko yung COS niya. “Bago lang din ako,” sabi niya. “We’re trying to beef up his staff. And I advised him, you need to have a strong research team. Have a lawyer head it, then may economist ka to crunch the numbers. And you must have a reporter in the team, kasi they know how to ask the right questions, and talagang persistent–talagang makulit. Right there and then, he called you.”

* * *

Hanggang ngayon, malaking misteryo sa akin kung bakit ako ang tinawagan ni Mar sa lahat ng reporter na kilala niya. Siguro nga, ganoon ako ka-kulit. Nakulitan na nang husto sa akin, kaya mas mabuting pakinabangan na lang ang kakulitan ko? O baka naman ganoon din siya ka-kulit, at kailangan niya ng kasalo?

Sa totoo lang, tinanggihan ko yung alok niya. Pupursigihin ko ang “journalism career” ko, ‘kako. Nadaan niya rin yata ako sa kulit, kaya bumigay na rin ako. At heto, tatlong taon nang nagtatrabaho sa kanya.

Tatlong taon na rin ang nakakalipas. Marami nang nangyari.

To be continued.

Posted by kapi at 1:28 pm | permalink | Add comment

Kamustahan Blues in C#m

Thursday, August 20, 2009

Kamusta kayo? May halos kalahating taon din akong nag-hybernate sa pagba-blog. Kalahating taong nagtitimpi at nagkikimkim ng mga pinag-iisip (hindi pa naman umaabot sa puntong nasisiraan ako ng bait… medyo lang).

Aaminin ko, nang hindi ko matuloy-tuloy ang pagpo-podcast, para bang hind ko magawang balikan ang blog, kahit magsulat man lang. Paumanhin, medyo naging maramot ako — doon ako sa kuwaderno nagsusulat ngayon. Natatakot sa mga iniisip? Nahihiya sa mga buwang na ideya’t damdamin? Awanin.

Tara, subukan ulit natin. :P .

Kaunting update muna sa ngayon. Ia-anunsyo ko na sa inyo: itutuloy na sa wakas ng GAPOS ang since-time-immemorial na planong maglabas ng album. Magre-record na kami sa parating na mga araw, at sana matapos ang lahat ng Disyembre. Marami pang plano, maraming ine-envision na kalokohang tingin namin ay, uh, revolutionary, pagdating sa creative process namin, sa marketing, atbp. May konsepto na nga para sa second album e. Ilalatag ko ang iba pa naming plano kapag, well, alam naming magagawa na talaga namin, hehe. Sa ngayon, ito na muna.

Posted by kapi at 8:46 pm | permalink | Add comment

Aksidente

Friday, February 27, 2009

Game! Updates na lang muna tayo boks, para naman makabuwelo pagkatapos ng matagal-tagal na hibernation ng i.ph (kahit ako rin naman mismo ang nag-hibernate sa online).

Ito ang “STATE OF THE KAPI AS OF 26 FEB 2009″ na self-portrait. Ito na nga ang pinaka-accurate na depiction ng kasalukuyan kong kalagayan. In short, nasa sabog phase na naman akong muli. No, this is not a post-valentine’s phenomenon. Sa larangang iyon, masaya po kami ni PJ, medyo di lang nakakapagkita nang madalas due to certain practical constraints. Ano lang ito, isa lang sa mga regular cycles ko. O ha, ang mga lalake “meron” ding “period,” kala ninyo.

No, wala akong balak pang magpagupit. Puwede namang mag-ahit.

Ngayong araw, pinalad akong hindi maaksidente ng ikatlong beses sa loob ng magkakasunod na araw. Kahapon at nang makalawa, nabangga ako ng mga nilalang sa kalsada na pinaka-kinabubuwisitan ko talaga. Una, jeep — sinagi na nga ako’t natanggal ang bumper ko, di pa huminto kung hindi bubusinahan. Pinatawad ko na, paano ako babayaran ‘nun, nag-iipon pa yata ng pantubos sa lisensya niya, kasi tiket lang ang pinakita sa akin. (disclalimer lang ha, marami ngang jeep na barumbado, may mga maginoo rin naman at mapagbigay.)

Ikalawa, motorsiklo — tumatabi akong dahan-dahan nang may biglang bumubusinang mahaba at matinis, at ayun na nga may sumalpok na motor. Siya na nga ang kaskasero, siya pa ang galit. Buti walang pinsala sa akin o sa kanya. (disclaimer lang uli ha, marami ngang motorsiklo na buwisit talaga, may mga disiplinado rin naman.)

Kaya, iniisip ko na kanina, ano kaya ang susunod na sasagasa sa akin ngayong araw? taxi na hanep kung sumiksik at pumina; bus na mambubulaga na lang sa likod mo o sa gilid; traysikel na tatawiran ka na lang (at nakatingin sa opposite side para kunwari di ka nakita); mga naka-lower na sedan na hanep humarurot pero kapag na-humps parang binibining tumatawid sa sapa; mga SUV ng mga pulitiko, na hatak-hatak ng mga hagad at binubuntutan ng mga Revong puno ng bodyguard? Buti hindi ako minalas, hehe.

Sa mga nilista ko rito, mukhang lahat yata ng nilalang sa kalsada ay kinabubuwisitan ko ah. Oo, kung minsan, buwisit talagang magmaneho.

Lunch break ngayon. Lalabas ako maya-maya lang para mag-banko. Sa wakas!!! Nakabuo rin ng pang-time deposit. Maliit lang, it’s really not a “fortune,” pero mabuti nang itago natin iyon kaysa mapunta sa kung anu-anong mga bagay.

Sa Linggo naman ang workshop nina Mike Stern, Dave Weckl at Hiromi Uehara, as part of the Philippine International Jazz Festival this Feb-March. Sa hapon ang concert nina Hiromi’s Sonic Bloom, Spyro Gyra at iba pa. Sa Lunes naman si Mike Stern and many others. Para sa workshop, hinihintay ko pa ang reply ni Koyang Avenir kung kailangan bang magbitbit ng instrumento, “or will our ears do?” (Addenda: Sumagot na si Koyang, mukhang lecture-type ang workshop.)

 

Noong huling Sabado, nagpasimuno tayo sa Fezbook ng Memerenga. Tutal, uso ngayon ang Meme, usong-uso dati ang rengga (na medyo humina ngayon ang appeal), at ang Kilometer64 ay nagsimula naman bilang online na grupo. So there, madaming nakilahok, at ito ang resulta (post na natin, wala naman na yatang balak pang dumagdag):

Nababagay sa tinapay ang giniling na kapalaran ng tao.
Ang bayan ay parang siopao na utak ng pusa ang palaman.

Tulad ng pan de sal na lumiliit sa pagmahal ng trigo’t gasul
Pangarap ng mamamayan nababansot sa kahirapan

gayunma’y itim ang kape at matapang,
at ang tumigas na tinapa’y pampukol sa kinauukulan.

Amag na bumabalot sa naninigas na tinapay
Masahol pa ang pait na dinaranas ng taong bayan.

wala ang kapalaran ng minasang lipunan sa panaderya
kundi’y sa pugon na pinagbabaga ng masang umaalsa

at sa tadhana nilang tila kapos sa pag-asa
nananatiling alamat ang palamang wasto sa panlasa

alamat ng tinapay na sawi, panaghoy ng kape di mahigop sa init,

sa pait ng kasinungalingan, umurong ang dila, natikom ang bibig,

nawala ang panlasa, namanhid.

Sadya bang ang ating mga pandama
ay kasintigas na ng tinapay na ilang ulit nang dinaanan
ng nagsasalitang init-lamig-init?

gaya ng pandesal sa pugon, kay init,
gaya ng itim na kape’y kay pait
ng ating pandamang nagngangalit!

init ng pugong kinasasadlakan ng siopao,
apoy na tutupok sa kapalarang ligaw,
bayang ginigiling ang utak na hilaw
balang araw, kakainin ng pusang halimaw! miyaw!

 

Mga Rumengga: Kapi Capistrano, Rep. Ruffy Biazon ng Partido Liberal, Babes Alejo ng Anak ni Aling Juana/Kilometer64, Axel Pinpin ng Kilometer64/Artist’s Arrest, Mai Mislang ng Blue Rats, Toots Ople ng Blas Ople Policy Center, Alex Remollino ng Kilometer64/Artist’s Arrest at Jason Valenzuela ng Gapos.   

 

Bukas, bagong Memerenga.

Anong nangyari kay Mando Romansa? Ba, malay ko ba :P .   

Posted by kapi at 12:04 pm | permalink | comments[1]

     

November 2009
M T W T F S S
« Sep    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

Sponsored Links

Kalawanging Kapi

Francis Y. Capistrano a.k.a. Kapi. Lalaki, 26 taong gulang, taga-lungsod-Quezon (Pilipinas).  Work-alcoholic staffer ng isang senador na palengkero. Dating peryodistang pagal na sa balita. Dating aktibistang binibisita na ng katandaan. Negosyanteng ni hindi pa nakapagpupundar. Makatang tigang. Musikerong mukhasim.


    

Mga Litrato

Contacts and Legal

kapicapistrano@gmail.com 

lumang kapi

Technorati Profile

 

SOME RIGHTS RESERVED

Creative Commons License

Kalawanging Kuwerdas is licensed under a Creative Commons Attribution- No Derivative Works 3.0 Philippines License, unless stated otherwise.

 

Sa madaling sabi, maaari ninyong sipiin o kopyahin nang buo ang anumang artikulo o larawan o audio file dito, mangyari lamang na:

1) Laging ilakip ang pangalan ng may-ari ng blog, ang pangalan ng blog at ang URL;

2) Hindi maaaring kalikutin o manipulahin ang anumang artikulo, larawan o audio file dito nang walang pahintulot ng may-ari.

Support Creative Commons Philippines!

 

DISCLAIMER: Ang mga kataga at opinyong isinaad dito ng may-ari ng blog na ito ay kanya lamang at hindi kinakailangang katulad ng sa kanyang mga kinabibilangang organisasyon. Sa kabilang banda, ang mga komento at opinyong isinaad dito ng mga mambabasa ay hindi kinakailangang katulad ng sa may-ari ng blog.

 

 

Plurky

Salindila

Subscribe

Technorati
Bloglines

Tsismisan

Job hiring:

nice blog theme ah, san mo nkuha bro?

yol:

si kapi? ang astig daw nung taong yun

pogi:

tang ina nyu

kapi:

Oo nga, hehe. Di ko alam kung paano nangyayari iyon…

moo:

mahal, funny, ginamit pala ito bilang chat room. :P

borlogs_kutamura:

auz na site to ah puro hurlada lang ng hurlada hehehhe….katuwang basahin mga patamang madaling kilalanin kung sinu ang pinapatungkulan..hahhaha

vins:

Kapi! :)

whocare:

walng kwentang isda

chelle:

dyosen meron ka na rin ba dun sa kemistri?

chelle:

ui kriza anom na?

chelle:

kya nga tinanong qoh sau kung panu pra tsismisan tau ei!

chelle:

kaya nga zan kya kumuha si franz!

venice:

‘c kitty ddi marunong nnito… ‘haha ! ‘naiinggit xa…

chelle:

tara uwi nba tau nilalamig na aqoh,, kriza, ok ka na ba?
josen, kumpleto moh na ?
mimaeh ano na?

chelle:

ui, ayoko na pagod na talaga aqoh ei!

venice:

‘hndi q nga alam ai ! ‘uuwi na ba tau…? ‘pero kailanagn nting tapusin 2…

venice:

‘ang buhay ai weder’weder lmang… ‘haha !

kriza:

uo nga eh.. takteng kemistri yan.. nakakaloka.. san bah kumuha si gurl frans

venice:

‘haha ! ‘jose… ‘krizZza… ‘ang hirap namang hnapin non… ‘paxahan ! ‘haha !

kriza:

ui tapusin muna naten,…

Leave a message ▼